Davao City- Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Sangguniang Masang Pilipino International Incorporated (SMPII), isang accredited Non-Government Organization katuwang ang ibat ibang grupo ng Riders Community Club sa S.I.R Elementary School Sandawa, Davao City nito lamang Linggo ng umaga ng Hulyo 9, 2023.

Pinangunahan ni Mr. Robel Beltran, Vice President for Administration ng SMPII ang naturang aktibidad kasama ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 (RPCADU 11) at sa pakikipag-tulungan ng Stalion Motor Bikers Club Inc. Davao Chapter sa pangunguna ng kanilang Presidente na si Mr. Joenelle Ib-Ib katuwang ang iba pang riders community ay naging matagumpay at payapa ang nasabing aktibidad.

Ang layunin ng akitibidad ay makapaghatid ng masustansyang pagkain para sa humigit kumulang 50 kabataan at maipakita ang pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon sa pagkamit ng iisang hangarin na magkaroon ng maayos na relasyon sa komunidad.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng S.I.R Elementary School at mga guro nito sa ibinigay na tulong upang mapaganda ang kanilang paaralan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *