Kiamba, Sarangani – Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan sa Kiamba, Sarangani Province nito lamang ika-10 ng Hulyo 2023.

Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang anim na sumukong komunista na nag-o-operate sa lalawigan.

Napag-alaman na isinuko rin ng mga komunistang NPA ang mga dala nilang tatlong yunit ng baril na may mga kasamang magazine at mga bala.

Samantala, agad naman nakatanggap ng food packs at isang sakong bigas mula kay Mayor George “Jong” Falgui.

Patuloy ang panawagan ng Kiamba PNP sa natitira pang miyembro ng NPA na sumuko at magsimula muli kasama ang kanilang sariling pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *