Surigao City- Naghatid ng Php1.5 milyong halaga ng indemnity checks hatid ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa 337 magsasaka na benipisyaryo sa C.V. Diez Elementary School, Surigao City nito lamang Hulyo 12, 2023.
Ang pamimigay ng indemnity checks ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Surigao City Agriculture Office at City Government ng Surigao sa mga magsasaka mula sa 14 na barangays.
Ayon kay Gina C. Terencio, miyembro ng PCIC Board of Directors, binigyang importansya nito ang kahalagahan ng bawat magsasaka at hinikayat ang mga ito na e-avail ang mga iba’t ibang serbisyo na pweding itulong sa oras na may kalamidad na darating.
Ang aktibidad ay dinaluhan din nina Mayor Pablo Yves L. Dumlao II, Acting City Agriculturist Amelita Dela Cerna, City Budget Officer Atty. Jeffrey Galido, City Councilor Joseph Joey S. Yuipco, PCIC Supervisors Mohammad Hammam Ibrahim, Niel Igloria, Ermie Jabagat at Josephine Ello, Officer-in-Charge of Admin and Finance Division.
Nagpa-abot naman ng pasasalamat si Mayor Dumlao sa PICC sa lahat ng suporta at tulong sa mga magsasaka sa oras ng pangangailangan at kalamidad.
Source: Surigao City Public Information