Tampakan, South Cotabato – Sumuko ang limang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Purok 6, Brgy. Maltana, Tampakan, South Cotabato nito lamang Hulyo 12, 2023.

Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang limang sumuko na miyembro sa ilalim ng Guerilla Front 72 at 73 ng Far Southern Mindanao Region (FSMR), New People’s Army.

Isinuko rin ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang yunit ng M14 rifle, dalawang rifle grenade, isang hand grenade, at isang yunit ng homemade single shot pistol na may kasamang apat na bala.

Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob upang makapiling ang kanilang sariling pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *