Maguindanao del Norte – Isinuko ng isang concerned citizen ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Talitay Municipal Police Station sa Talitay, Maguindanao del Norte nito lamang Hulyo 11, 2023.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang residenteng nagsuko ng naturang baril.
Nabatid na kabilang sa isinuko ay isang yunit ng M14 rifle na walang serial number at bala.
Napag-alaman na isinuko ng residente ang kanyang baril sa inilunsad na “Pulong-pulong” at Barangay Visitation ng Talitay PNP.
Nananawagan ang mga awtoridad sa sinumang residente na may baril pero walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang tanggapan ang kanilang mga armas upang makaiwas sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.