Maguindanao del Sur- Isinuko ng isang concerned citizen kay Brgy. Kapitan Dhen Samsudin ang isang loose firearm sa mga tauhan ng South Upi Municipal Police Station sa Maguindanao del Sur nito lamang ika-11 ng Hulyo 2023.

Nabatid na ang isinuko ay isang caliber .38 revolver.

Napag-alaman na isinuko ng residente ang kanyang baril sa inilunsad na “Oplan Katok ng pulisya.

Nananawagan ang South Upi PNP sa sinumang residente na may baril pero walang kaukulang dokumento na isuko sa kanilang tanggapan ang kanilang mga armas upang makaiwas sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *