General Santos City- Nagsagawa ng Service with a Heart Job Fair and other Services na pinangunahan ng mga tauhan ng Police Regional Office 12 katuwang ang ibat-ibang ahensya at kumpanya sa Trade Hall, SM City GenSan, Lagao, General Santos City nito lamang ika-14 ng Hulyo 2023.
Ang naturang programa ay dinaluhan din ni Dir. Joel M Gonzales, Regional Director Department of Labor and Employment (DOLE) 12.
Umabot sa 40 pribadong kumpanya din ang nakiisa sa naturang job fair at tinatayang umabot sa 300 na aplikante ang nagtungo upang sumubok mag-apply ng trabaho at maiproseso ang kanilang aplikasyon.
Ang Service with a HEART Job Fair and other Services ay isang espesyal na programa na naglalayong magbigay-daan sa ating kababayan na naghahangad ng magandang kinabukasan na naglalayong matulungan ang iba nating kababayan na naghahanap ng pagkakakitaan at upang mas mapagtibay ang ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa pagkamit ng iisang hangarin sa kaunlaran ng lipunan.