Sultan Kudarat – Sumuko ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Palimbang, Sultan Kudarat nito lamang ika-15 ng Hulyo 2023.

Kinilala ang mga sumuko na si alyas “Aira”, Medic ng Baghdad Platoon, SRC Daguma FSMR, 21 anyos, fiancee ng namayapang si alyas “Commander Kalbo/Dennis); alyas “Bella”, Medic ng Baghdad Platoon, SRC Daguma FSMR, 16 anyos; at alyas “Regard”, miyembro ng CO Telego Platoon GF 73 West Daguma SMFR.

Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagturn-over ng dalawang yunit ng Homemade Cal. 38 revolver, isang 12 Gauge homemade rifle, at mga bala.

Nanawagan naman ang mga miyembro ng Police Regional Office 12 sa natitirang miyembro ng NPA na sumuko na sa pamahalaan upang makapiling ang kanilang sariling pamilya at makamit ang tunay na kapayapaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *