Mahigit 2,000 na indibidwal ang lumahok sa Community Walk for a Cause kasabay sa pagdiriwang ng Suicide Prevention Awareness Month sa Rio de Oro Boulevard, Cagayan de Oro City nito lamang ika-10 ng Septyembre 2024.
Nagbigay ng kanyang mensahe si Department Officer Annie Tongson na kinatawan ni Mayor Klarex Uy, City GAD Co-chair Sheila Lumbatan at City Social Welfare and Development (CSWD) at SWD Psychosocial Division Project Head Ella Marie Sumampong.
Nilahukan ng 2,000 na empleyado ng LGU-CDO, National Government Agencies, private and non-government organizations at iba pang mga personahe.
Ang layunin ng nasabing aktibidad na pag-usapan ang kampanya patungkol sa Suicide Prevention kasabay ng pagdiriwang ng Suicide Prevention Awareness Month.