Iligan City – Nasakote ang Top 9 Most Wanted Person City Level sa kasong Statutory Rape (2 counts) sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Setyembre 12, 2024 sa Barangay Dalipuga, Iligan City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rey” 19 anyos at residente ng Brgy. Bonbonon, Iligan City.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (2counts) na may criminal case no. 24-29785 at 24-29805 na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.