Nasakote ang isang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Sexual Abuse sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Poblacion Oroquita City nito lamang ika- 10 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Mar”, 19 anyos, lalaki at residente ng Purok 3 Totongon, Mutia, Zamboanga del Norte.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong Sexual Abuse na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00.

Patuloy ang operasyon ng PNP na hulihin ang lahat ng taong may pananagutan sa batas tungo sa pagkamit ng isang maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *