Sulu- Nasamsam ang tinatayang Php1,887,000.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Bus-Bus, Jolo, Sulu nito lamang ika-15 ng Setymebre 2024.
Ayon sa Jolo Municipal Police Station, bandang 12:45 ng hapon nang makumpiska ang naturang mga kontrabando sa tulong ng isang concerned citizen tungkol sa dalawang sasakyang na lulan ang mga hinihinalang puslit na sigarilyo.
Nakumpiska mula sa operasyon ang 51 kahon ng Cannon Brand Cigarettes na may tinatayang halagang Php1,887,000.00.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Sulu PNP para mahuli at mapanagot ang nasa likod ng puslit na sigarilyo.