Lanao del Sur – Tiklo ang mag-asawa at nakumpiska ang isang baril at mga bala sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Barangay South Tatayawan, Tamparan Lanao del Sur nito lamang ika-16 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina alyas “Ara”, 39 anyos, at alyas “Sam”, 49 anyos, pawang residente ng naturang lugar.

Narekober ng pulisya ang isang cal.45, isang magazine at apat na bala.

Nahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Patuloy ang PNP sa pagpapaigting sa kampanya laban sa loose firearms para maiwasang gamitin sa anumang uri ng krimen.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *