Napakagandang likas na tanawin at isang sikat na tourist spot kung ituring ang Mimbalut Falls kung saan nagtitipon ang mga local na turista para mag-relax at tamasahin ang napakapreskong talon na ito.
Ang nasabing talon ay matatagpuan sa Barangay Buru-un, Iligan City, 11KM ang layo mula sa city proper. Dahil sa magandang lokasyon nito, ito ang pinaka-accessible sa 23 waterfalls na matatagpuan sa buong Iligan City at isa rin sa mga Iligan tourist spots na nagtataglay ng mga kakaibang katangian na patuloy na umaakit sa mga turista.
Ang mala-perlas na tubig na dumadaloy mula sa talon ay lumilikha ng maningning na mga patak at hamog, na kumikislap sa liwanag ng araw.
Dahil sa malago na kagubatan na nakapalibot dito at ang payapang tunog ng tubig na bumabagsak sa mga bato, ito ay tinuring na isa sa nakamamanghang tanawin sa Hilagang Mindanao.
Mag-swimming sa malamig na tubig, mag-piknik kasama ang pamilya o maglakad sa mga hiking trails.
Halina’t bisitahin ang Mimbalot Falls at damhin ang kagandahang likas na hindi mo malilimutan!
Photo by Faizza on Instgram