Matagumpay na isinagawa ang SurUy-SurUy sa baryo sa Brgy. Iponan, Cagayan De Oro City nito lamang ika-14 ng Septyembre 2024. Sa pangunguna ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, katuwang ang iba pang mga opisyales, LGU at Chief ng Philhealth na si Mr. Marlon NiƱo S. Arrabaca, Head of the Local Health Insurance Office – CDO at iba pa na nagresulta ng matagumpay na aktibidad.

Umabot sa 1,832 na mga PhilHealth cards ang miyembro ng mga data record na binigay na tala ng PhilHealth Region 10 sa tulong ng City Health Insurance Office.

Namahagi rin ng libreng birthday cake sa mga senior citizens ng Iponan na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Setyembre, singing contest at namimigay ng mga cupcakes, ice-cream, popcorn at libreng medical check-up at gamot.

Layunin ng aktibidad na mapalapit sa mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto, pamamahagi ng tulong at iba pang inisyatiba na makakatulong sa komunidad.

Ito ay paraan din upang mas mapalapit ang gobyerno o mga organisasyon sa mga tao at malaman ang kanilang mga pangangailangan upang matugunan ang mga ito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *