Matagumpay na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga ang mga family food packs (FFPs) sa 1,661 benepisyaryo ng kanilang Food-for-Work (FFW) sa Surigao City, Surigao del Norte noong Setyembre 13, 2024.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tatlong family food packs bilang kapalit ng kanilang anim na araw na pagsisikap sa paglilinis ng kanal at pangangalaga sa kapaligiran.
Ang Food-for-Work na inisyatibo ng DSWD na bahagi ng kanilang mas malawak na pangako sa pagpapalaganap ng kaunlarang pangkomunidad, seguridad sa pagkain at upang magbigay ng suporta sa komunidad habang tinutulungan ang mga residente na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa kanilang lugar.
Sa pamamagitan ng programang ito, hindi lamang nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nangangailangan kundi nagbibigay din ng pagkakataon sa mga residente na makilahok sa mga proyekto na nagpo-promote ng kapakanan ng komunidad.
Ang matagumpay na pamamahagi ng mga food packs ay nagpapakita ng dedikasyon ng DSWD sa kanilang misyon na suportahan ang bawat pook at tiyakin ang kaginhawahan ng mga mamamayan sa kabila ng mga hamon.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng epektibong pakikipagtulungan ng ahensya sa mga lokal na komunidad upang makamit ang mas maayos at ligtas na kapaligiran para sa lahat.