Marami ang nahuhumaling sa magagandang tourist spots sa probinsya ng Bukidnon. Ito ay kilala lalo na sa mga tao na mahilig sa mountain climbing, hiking at iba pa.

Isa na rito ang Sabangan na matatagpuan sa Can-ayan, Malaybalay City, Bukidnon. Maraming turista ang nahuhumaling sa gandang taglay ng Sabangan sapagkat ito ay tinatawag na “Little New Zealand ng Bukidnon” dahil sa magagandang tanawin at maraming pine trees na nakapalibot dito.

Nagbibigay ng kapayapaan ang Sabangan at ang malinis na batis na dumadaloy ay nakakapawi ng pagod sa paglalakad pa punta sa naturang lugar.

Isa sa mga aktibidad na pweding gawin ay ang mag overnight at mag stargazing kasama ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya habang ine-enjoy ang malamig na klima.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *