Maguindanao del Norte – Timbog ang isnag magsasaka na tinaguriang Top 2 Provincial Most Wanted Person sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Tenorio, Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nito lamang ika-17 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rey”, magsasaka, residente ng Brgy. Labungan, DOS, MDN.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Walang humpay ang PNP sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling tahimik at maunlad ang pamayanan.