Zamboanga del Norte- Isang tagasuporta ng New People’s Army ang sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Diongan, Siayan, Zamboanga del Norte nito lamang Setyembre 17, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Liting/Rudy” 49 anyos, may-asawa, residente ng naturang lugar.

Napag-alaman na ang sumuko ay naging courier at tagasuporta ng rebeldeng grupo.

Ang Zamboanga del Norte PNP at pamahalaan ay nagkakaisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating lipunan at hinihimok ang natitira pang miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob at magsimulang muli sa piling ng kanilang pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *