Sultan Kudarat- Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Midtungok, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Bunso” 37 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Malawanit, Magsaysay, Davao del Sur, dating Commander ng Platoon Samsung, Front Musa, FSMR at alyas “Adrin” 52 anyos, misyonaryo ng SDA Church at Political Instructor ng former Platoon Myphone, Front Daguma GF 73, FSMR at residente ng Miana Subd., Poblacion, Polomolok, South Cotabato.
Nabatid na isinuko rin ng dalawang mataas na opisyal ng NPA ang isang unit na cal. 30 M1 Carbine, isang magazine, apat na ammunition at mga mahalagang dokumento.
Ang pagsuko ng matataas na opisyal ng NPA ay magandang indikasyon na humihina na ang rebeldeng grupo dahil sa walang humpay na operasyon ng PNP katuwang ang pamahalaan upang maabot natin ang ating iisang adhikain na kapayapaan at kaunlaran sa ating inang bayan.