Cotabato City – Nasakote ang Top 7 City Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Jose Lim Sr Street, Poblacion V, Cotabato City nito lamang ika-17 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Benjie”, 29 anyos, magsasaka, residente ng Mahuganan Buncog Upi, Maguindanao Del Norte.

Nabatid na hinuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may piyansang nagkakahalaga ng Php200,000.00.

Patuloy ang PNP sa paghuli sa mga taong may sala sa batas upang mapanatili ang isang payapa, tahimik at maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *