Isinagawa ng Davao City Health Office, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at iba pang ahensya, ang kauna-unahang lokal na National Immunization Program (NIP) Summit nito lamang Setyembre 17, 2024.
Lumahok sa summit ang mga kapitan ng barangay mula sa 182 barangay sa lungsod katuwang ang mga barangay health workers nito.
Dagdag pa, nakiisa rin rito ang district health workers, mga doktor, at iba pang mahahalagang stakeholders.
Hinimok naman ni Dr. Julinda Acosta, Chief ng Technical Services Division ng CHO, ang mga kapitan ng barangay sa kanyang mensahe na tumulong sa pagsusulong ng immunization program ng lungsod sapagkat ang pagtitipon na ito ay naglalayong patatagin ang naturang programa sa lungsod.
Source: Davao City Information Office
