Ang Misty Heights ay isang camping ground na matatagpuan sa Barangay Datu Salumay, Marilog District, Davao City na nag-aalok ng natatanging kaakit-akit na karanasan ng preskong kagandahan ng mga bundok at sea of clouds.
Pinapahalagahan ng naturang lugar ang mapayapang kapaligiran kung kaya naman, ito ay tumatanggap lamang ng overnight bookings na nagkakahalaga mula Php5,000.00 hanggang Php13,000.00 kabilang na rito ang almusal.
Ang Misty Heights ay isang negosyo na pinamamahalaan ng pamilya na nagpasyang magbukas ng ligtas na kanlungan para sa kasiyahan ng iba.
Ang kamangha-manghang tanawin ng mga bundok at malamig na panahon ay tiyak na isang pagtakas mula sa abalang lungsod.