Ang Sohoton Cove ay isang likas na paraíso na kilala bilang isa sa mga pinakakahanga-hangang destinasyon sa Pilipinas dahil sa mala-postcard nitong tanawin at kakaibang kagandahan ng kalikasan na matatagapuan sa Bucas Grande Island, Surigao del Norte.
Ang Sohoton Cove ay binubuo ng magkakaugnay na mga likas na lawa, na nagbibigay ng isang tahimik at nakakaengganyong karanasan sa mga turista. Isa sa mga dahilan kung bakit pinipilahan ng mga turista ang Sohoton Cove ay ang mga tagong yaman na matatagpuan sa loob nito.

Ilan sa mga pinakakapansin-pansing bahagi ng lugar na ito ay ang Tiktikan Lagoon at ang Jellyfish Sanctuary.
Ang Tiktikan Lagoon ay isang tahimik na lawa na napapaligiran ng luntiang kagubatan at matatayog na limestone karsts. Mararamdaman mo dito ang kapayapaan ng kalikasan habang lumalangoy o magpapalutang-lutang sa malinis na tubig.
Bukod sa kanyang likas na kagandahan, ang lawa ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga eco-tours at kayaking adventures. Isa pang hindi dapat palampasin ay ang Jellyfish Sanctuary, kung saan matatagpuan ang daan-daang mga jellyfish na walang kamandag.

Nakakabighani ang kanilang anyo at makulay na galaw, at nagbibigay ito ng kakaibang karanasan sa mga turistang nais makaranas ng pakikipag-ugnayan sa likas na yaman ng dagat.
Ang Sohoton Cove ay isang destinasyon kung saan maaaring magmuni-muni at muling makakonekta sa kalikasan.
