Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao de Oro ay umaasa na makamit ang prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) Award para sa 2024, matapos makatanggap ng desisyon na “Recommended to Pasa” mula sa National Validation Team ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nito lamang Setyembre 19, 2024.
Ang mga pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan patungo sa magandang pamamahala ay nagbunga, dahil ang Sustainable Education at Financial Administration ay nakatanggap ng “Met Expectations” isinagawang beripikasyon.
Samantalang ang natitirang walong larangan—Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Business-Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture, and the Arts; at Youth Development—ay nakatanggap naman ng “Exceeded Expectations” sa pagsusuri.
Pinuri naman ni Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, ang mga pagsisikap ng lahat ng pinuno ng departamento at mga empleyado.
Dagdag pa nito, ang pag-abot sa SGLG Award ay magpapakita ng dedikasyon ng pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo at pagpapatupad ng mga makabuluhang programa para sa kapakanan ng mga tao sa lalawigan.