Matagumpay na isinagawa ang 46th National Disability Rights Culmination na ginanap sa Provincial Capitol, Misamis Oriental nito lamang ika-18 ng Setyembre 2024.

Ayon kay Jhunleymar Abella, Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer, layunin ng naturang aktibidad na hikayatin ang mga PWDs at maramdaman nila na bahagi sila ng komunidad at hindi hadlang ang kanilang sitwasyon sa pag-unlad ng lalawigan.

Mahigit 450 Persons with Disability (PWDs) ang masayang nakilahok sa nasabing aktibidad sa pamamagitan ng D’voice of PWD at sports fest na binubuo ng crutches race, wheelchair race, chess, checkers at iba pang over the top games.

Namigay din ng mga papremyo sa raffle, cash prizes at mga gamit sa bahay tulad ng electric fan, stove, TV, rice cooker at food packs.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Gobernador Peter “Sr. Pedro” Unabaya kay PSWD Officer Jhunleymar Abella sa kanyang patuloy na pagsuporta sa mga PWD.

Ang naturang programa ay bahagi ng pagnanais na mabawasan ang kahirapan sa lalawigan sa pamamagitan ng single-digit poverty incidence program at agenda ng PAGLAUM sa ilalim ng sulat U- Unified Efforts for Health and Social Services Delivery.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *