Nagsagawa ng Groundbreaking Ceremony para sa Road Improvement ang LGU Gensan sa Blaan Community Village, Barangay Labangal, General Santos City nito lamang ika-22 ng Setyembre 2024.

Sa pamumuno ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, muling ipinakita ng lokal na pamahalaan ng General Santos City ang dedikasyon sa pagsulong ng mga proyekto para sa kaunlaran ng bawat sektor ng komunidad.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P5 milyon.

Binibigyang-prayoridad ng lokal na pamahalaan ang mga proyektong may direktang benepisyo sa mga komunidad na matagal nang nangangailangan ng atensyon, bilang bahagi ng kanyang pangako na walang maiiwang sektor sa pag-unlad.

Ang road improvement project na ito ay inaasahang magpapaunlad ng ekonomiya sa lugar, isang hakbang tungo sa isang mas progresibong General Santos City.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *