Bilang bahagi ng pagsisikap na itaas ang kamalayan ng publiko at hikayatin ang pakikilahok ng mga mamamayan, namigay ang Pamahalaang Lungsod ng Davao, sa pamamagitan ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) ng mga sticker sa mga drayber at operator ng taxi nito lamang Martes, Setyembre 24, 2024.

Ang mga sticker ay naglalaman ng mga detalye ng contact ng Davao City Reports na maaaring tawagan ng mga pasahero upang iulat ang mga alalahanin tulad ng sobrang singil, pagtanggi ng serbisyo, kontrata, at iba pa.

Ang kampanya na ito ay isang pinagsamang proyekto ng CTTMO, LTFRB XI, Region XI Taxi Association Inc. (RTOA), at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) upang matulungan ang pag-address sa mga alalahanin at reklamo ng mga pasahero laban sa mga maling drayber ng taxi.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga pasahero na may alalahanin at reklamo sa Davao City Reports sa pamamagitan ng mga numerong ito: 0919 072 2222 at 0917 131 2333.

Maaari rin silang magpadala ng email sa davaocityreports@davaocity.gov.ph o sa kanilang Facebook Page: Davao City Reports.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *