Lanao del Norte- Sumuko ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiyah Maute Group sa mga awtoridad sa Poblacion Munai, Lanao del Norte nito lamang ika- 23 ng Setyembre 2024.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Habab”, 21 anyos at residente ng Lininding, Munai, Lanao del Norte, at alyas “Turab”, 17 anyos residente ng Coyontor, Kauswagan, Lanao del Norte.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsuko din ng kanilang mga armas na isang Remington Arms Ilion N.Y USA na may serial number DL 938752, isang AFP Property CAL. 223-5.56MM MOD. P.4 isang magazine at 13 na mga bala at isang U.S. RIFLE 7.62MM M14 H&R ARMS CO. SERIAL NO. 923293 magazine at limang mga bala 7.62MM.
Patuloy ang PNP sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa sa tulong ng mamamayan upang labanan at matuldukan ang anumang uri ng krimen at insurhensya.