Bukidnon- Nasakote ang isang Commanding Officer ng New People’s Army (NPA) sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-22 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang Commanding Officer na si alyas “Porpor”, 50-taong gulang, magsasaka, at residente ng Quezon, Bukidnon.

Napag-alaman na ang nadakip ay isang Commanding Officer ng SPP5 sa ilalim ng nabuwag na Guerilla Front 6, Sub-Regional Command 2 ng North Central Mindanao Committee.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder, Frustrated Murder at Multiple Attempted Murder.

Samantala, mabibigyan na ng hustisya ang lahat ng mga naging biktima ng suspek na nakaranas ng karahasan sa kamay ng teroristang lider ng NPA na walang iba dala sa komunidad kundi karahasan at pagsira sa magandang kinabukasan ng ating kabataan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *