Nagtapos ang nasa 98 na Person’s Deprived of Liberty (PDLs) ng Madrasah Al-Irtiqa’e mula sa Zamboanga City Jail sa idinaos na graduation rites matapos makumpleto ang Tahderiyyah Program on Islamic Education noong Setyembre 24,2024.
Naging panauhing pandangal at speaker ng seremonya si Secretary Sabuddin Abdurahim ng NCMF.
Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Secretary Abdurahim sa Bureau of Jail Management and Penology, sa patuloy na pagpapaunlad ng personal na paglago at espiritwal na pag-unlad ng mga kapatid na Muslim.
Ang nasabing kaganapan ay nagmarka ng makabuluhang hakbang sa patuloy na pagpapahusay ng edukasyon at values formation component ng mga programa para sa kaunlaran at kapakanan ng mga PDLs sa pasilidad.
Ang Al-Irtiqa’e ay nagsimula noong taong 2023 sa pamumuno ni Zamboanga City Jail Male Dormitory Warden Jail Superintendent Xavier Solda kasama ang NCMF Region-IX sa pamumuno ni Dr. Zulfikar Abantas.
Ang patuloy na kolaborasyon ng BJMP at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) ay nakapagtala ng pagtaas sa bilang ng mga preso sa City Jail na nakapagtapos ng Islamic Education.