Tinatayang nasa 180 Trail Runners ang nagtipon para sa kauna-unahang Luntian Trail Run 2024 na isinagawa sa Brgy. Balabag, Kidapawan City nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng LGU Kidapawan at City Tourism.
Nasa 21 minutes na biyahe mula sa Brgy. Poblacion ang kinakailangan upang marating ang pagdarausan ng nasabing programa sa Alfonso’s Ridge.
Malamig, maaliwalas, at presko ang hangin sa lugar kaya naman naging masaya at tila mas naging madali para sa mga partisipante ang pagtahak sa trail area.
Nasa anim na oras ang itinakdang time limit ng mga organizers para sa mga kalahok sa 10K Category at nasa siyam na oras naman para sa mga nasa 21K.
Ngunit dahil kadalasan ay sanay at eksperto na sa nabanggit na palaro, mas maagang nakarating sa Finish Line ang mga ideneklarang panalo sa kompetisyon, di rin nagpahuli ang ilan sa mga first timers.
Sa bawat Category, anim ang magkakamit ng panalo mula pa rin sa Male and Female division at mag-uuwi ng Cash Prizes, IPI Giftpacks at ilan pang mga souvenirs.
Lahat naman ng sumali ay nakapag-uwi ng Finisher Medals at Plaque.