Sumuko ang isang magsasaka na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Brgy. Nalus, Kiamba, Sarangani Province nito lamang Setyembre 30, 2024.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Nar”, 34 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Kapate, Kiamba, Sarangani Province.

Napag-alaman na dating miyembro ng SRDG, ROC, Far South Mindanao Region ang sumuko.

Isinuko din nito ang isang yunit ng 38 cal. at anim na bala.

Sa paghina ng teroristang grupo ng NPA, ito ay bunga ng pagsisikap ng gobyerno, PNP at mamamayan, at iba pang law enforcement agency na tuldukan ang terorismo at insurhensya sa bansa na hadlang sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan ng ating bayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *