Tiklo ang tinaguriang Top 2 Municipal Level Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok Sampaguita, Barangay Bulacan, Malalag, Davao del Sur nito lamang umaga ng Lunes, Oktubre 1, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jhon”, 22 anyos, isang manggagawa at residente ng Purok 5, Barangay Ibo, Malalag.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault kaugnay sa Sec. 5(B) ng Republic Act 7610 na may piyansang Php200,000.00.

Sinisiguro ng PNP ang kaligtasan ng publiko mula sa anumang banta ng kriminalidad, terorismo at insurhensya na nakaka-apekto sa kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *