Marawi City, Lanao Del Sur- Nasakote ang Moro Islamic Liberation Front Battalion Commander at narekober ng mga awtoridad ang matataas na kalibre ng baril at bala sa MSU Compound, Brgy. Cadayonan II, Marawi City, Lanao Del Sur nito lamang ika-30 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang akusado na si alyas “Ariong”, 32 anyos, MILF Battalion Commander ng 125th Based Command, residente ng naturang lugar.

Nakumpiska mula sa operasyon ang isang yunit ng M16 A1, isang yunit ng pistol cal.45, anim na piraso ng magazine ng M16 A1, dalawang magazine ng cal.45, 100 piraso ng live ammunition ng M16 A1, 12 piraso ng live ammunition ng cal.45, isang bandolier, anim na ID Card, 199,000 na boodle money bilang buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 32 at 28 ng Republic Act 10591 o “Unlawful Sale of Firearms and Ammunition, and Unlawful Possession of Firearms and Ammunition” ang suspek.

Masigasig ang PNP sa kanilang mandato na ilagay sa likod ng rehas ang mga personalidad na may atraso sa batas upang maging tahimik at payapa ang ating komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *