Matagumpay na nakamit ng Lokal na Pamahalaan ng Tagum, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rey T. Uy, ang National at Regional Award sa Gawad Pagkilala na inihandog ng BFAR XI nito lamang Setyembre 30, 2024 sa Tagum City Hall.

Sa naturang parangal, personal na inihayag ni BFAR Regional Director Relly B. Garcia, ang mga programa ni Mayor Rey T. Uy, na nagtataguyod ng pangangalaga sa mga katubigan ng Tagum at sumusuporta sa mga mangingisdang Tagumenyo.

Ito ay patunay ng kahusayan at walang humpay na pagsisikap ng LGU Tagum para sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga mangingisda at ng sektor ng agrikultura sa lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *