Matagumpay na idinaos ang Kasalan ng Bayan sa Brgy Tubod, Iligan City nito lamang ika-29 ng Setyembre 2024.

Ang naturang seremonya ay pinangunahan ni Mayor Frederick W Siao, Alkalde ng Iligan City, kasama ang City Councilors, Department Heads at mga representative ng iba’t ibang offices.

Aabot sa 72 na mag-asawa ang ikinasal at binigyan din ng tig iisang sako ng bigas at iba pang mga regalo.

Nagkaroon din ng ceremonial slicing of cake at wine toasting.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang mga magkasintahan ay may legal na pagsasama sa ilalim ng batas, na nagbibigay sa kanila ng mga karapatan at proteksyon bilang mag-asawa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *