Ang Kasadya Street Dancing Competition ay isa sa mga pinakahihintay na kaganapan sa bawat taon sa lungsod ng Iligan City na bahagi ng pagdiriwang ng Diyandi Festival.

Ang festival ay karaniwang ginaganap tuwing Setyembre.

Binigyang-buhay ng mga kalahok ang mga kalye ng Iligan City na may makukulay na mga costumes at sining ng sayaw na nagpapahayag ng kanilang natatanging tradisyon.

Ang mga tunog ng tambol at iba pang katutubong instrumento ay nagdadala ng masiglang galaw, na tila nag-aanyaya sa lahat na sumayaw at makiisa.

Ang kanilang mga sayaw ay nagsasalaysay sa Tri-Culture sa Iligan, ang tribong Higaonon, tribong Maranao, at ang mga Kristiyanong Lumad.

Sa kabuuan, ang Kasadya Street Dancing ay simbolo ng pagkakaisa ng mga tao, hindi lamang sa Iligan kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Sa mga makukulay na galaw at masiglang tunog, naipapakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa sariling kultura, na tiyak na mananatili sa puso ng bawat kalahok at tagapanood.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *