Maguindanao del Norte – Isinuko ang apat na mga loose firearms sa mga awtoridad sa Talitay, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-14 ng Hulyo 2023.
Ito ay isinuko ng mga residente sa ilalim ng kanilang mga Kapitan na sina Hon. Solaiman P Buisan, Brgy Chairman ng Poblacion, Talitay; Hon. Kuli Mama Datulukes, Brgy Chairman ng Kilalan, Talitay; Hon. Azmy D. Guiamadel, Brgy Chairman ng Bintan, Talitay; at Mamatanto K Manap, Brgy Chairman ng Kuden, Talitay, Maguindanao del Norte.
Kabilang sa mga isinukong loose firearms ay ang isang homemade .50 Cal Sniper Barret na walang serial number; isang 7.62 Sniper Rifle; isang homemade Shotgun na walang serial number; at isang .38 Caliber Revolver na walang bala.
Patuloy ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region sa panawagan sa mga residente na mayroong mga baril ngunit walang mg kaukulang papel na isuko ito sa himpilan ng pulisya upang maiwasan magkaroon ng kaso.