Tiklo ang tinaguriang Moro Islamic Liberation Front (MILF) Deputy Brigade Commander at narekober ang mga baril at bala sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Marawi City, Lanao Del Sur nito lamang ika-30 ng Setyembre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Shawie”, 49 anyos, Deputy Brigade Commander ng MILF 102nd 7th Brigade, Musa Island Base Command.

Nakumpiska sa naturang operasyon ang isang yunit ng cal.5.56mm rifle, isang yunit ng Taurus cal.9mm pistol, isang piraso ng 20 rounder magazine ng cal.5.56mm, anim na live ammunition ng cal.5.56mm, tatlong magazine ng cal.9mm, taurus gun case, isang Php1,000 bill genuine money, at 124 piraso ng Php1,000 bill boodle money bilang buy-bust money.

Ang naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 32 ng Republic Act 10591 o “Unlawful Sale of Firearms and Ammunition”.

Patuloy ang PNP sa pagsiguro na ang lahat ng mamamayan ay ligtas mula sa anumang banta ng kriminalidad, terorismo at insurhensya, na hadlang sa ating inaasam na kaunlaran at kapayapaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *