Bilang pagdiriwang ng World Rabies Month, ang Office of the Veterinary Services ng Tacurong City ay naglunsad ng Information and Education Campaign sa Notre Dame ng Tacurong College Gymnasium, Tacurong City nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.

Ang kaganapan ay pinangunahan ni City Mayor Joseph George L. Lechonsito, na naghatid ng isang inspirational message.

Naroon din si City Vice Mayor Lina O. Montilla, kasama si City Councilor Harvey P. Legas.

Umabot naman sa humigit 300 mga estudyante ang nakinig sa naturang lektyur patungkol sa rabies.

Nagbigay ng lecture ang City Veterinarian Allan R. Alimajen, Jr., DVM, tungkol sa Rabies Prevention at Responsible Pet Ownership, habang tinalakay ni Nurse Riza L. Abejero, RN, ang rabies sa mga tao, na nakatuon sa pag-iwas at paggamot.

Kasama sa programa ang question-and-answer session at isang video presentation tungkol sa rabies awareness.

Ang kampanya ay naglalayon na itaas ang kamalayan tungkol sa pag-iwas sa rabies, na naaayon sa tema ngayong taon, “Breaking Rabies Boundaries,” upang isulong ang isang rabies-free community.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *