Tiklo ang isang Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Sinuyak, Poblacion, Katipunan, Zamboanga del Norte nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dar”, 18 anyos, lalaki at residente ng Purok 3, Brgy. Sinuyak, Katipunan, Zamboanga del Norte.

Inaresto ang suspek sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.00.

Ang PNP ay patuloy sa mandato na siguruhin ang kaayusan at kapayapaan sa ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *