Umabot sa 267 kilo ng tahong ang nakumpiska ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 11 matapos magsagawa ng inspeksyon katuwang ang Office of the City Agriculturist Office at Office of the City Economic Enterprise Manager (OCEEM) sa Digos City Mega Market nito lamang Oktubre 2, 2024.
Ang hakbang na ito ay isinagawa kasunod ng Red Tide Advisory na nakaapekto sa Catbalogan, Samar na inilabas kahapon.
Batay sa laboratoryong pagsusuri na isinagawa ng BFAR-National Fisheries Laboratory Division, gamit ang Enzyme Linked Immunosorbent Assay (ELISA) na pamamaraan, ang sample ng laman ng tahong na nakolekta mula sa VILLAREAL BAY sa Villareal, Samar ay positibo para sa Paralytic Shellfish Toxin (Saxitoxin).
Nakatanggap naman ng report ang mga awtoridad tungkol sa pagbebenta ng mga produkto mula sa Catbalogan sa lungsod ng Digos at iba pang mga lugar sa Davao Region kung kaya naman ay agad itong inaksyunan ng mga awtoridad.