Isinagawa ang rescue operation sa 120 na pamilya sa Barangay Saniag, Kauran at Malatimon sa bayan ng Maguindanao del Sur nito lamang ika-1 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao del Sur aakinsunod sa direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Nakaranas ng matinding pagbaha sa lugar nito lamang Martes ng gabi na nagresulta sa biglaang pagtaas ng tubig baha.
Agad na dinala sa evacuation center ang mga pamilyang nailikas at nabigyan kaagad ng paunang tulong o ayuda mula sa Provincial Government.