Patuloy ang pagbibigay tulong ng Pamahalaang Lokal ng Iligan City sa isinagawang Serbisyong Iliganon Caravan 2024 sa Brgy. Tomas Cabili, Iligan City nito lamang ika-3 ng Oktubre, 2024.

Ang naturang programa ay nilahukan ng City Agriculturals Office, City Information Office, Task Force Iligan City,Social Security System,Philhealth at City Engineers Office, kasama ang mga personahe ng Iligan City Police Office na namahagi din ng libreng foodpacks at libreng tuli sa mga kabataan.

Mahigit 300 benepisyaryo ang napasaya sa iba’t ibang serbisyo tulad ng serbisyong medikal, dental, pangkabuhayan, legal, at mga pangangailangan sa edukasyon at social welfare.

Layunin ng aktibidad na dalhin ang mga serbisyo ng pamahalaan nang direkta sa mga barangay at bigyan ng pansin ang mga indibidwal na kadalasang hindi naaabot ng mga regular na serbisyo ng pamahalaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *