Idinaos ang libreng pagbakuna sa mga estudyante sa mga mag-aaral ng Angelito Memorial School sa Barangay Sta. Elena, Iligan City nito lamang Oktubre 12, 2024.
Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Daphne Goldameir C. Alicdag, Medical Officer III, DepEd Division, Iligan City katuwang ang City Health Office at mga kawani ng Department of Education ng lungsod.
Mahigit 177 studyante ang nabakunahan laban sa tigdas, rubella, tetanus at diptheria. Ibinibigay naman ang HPV o Human Papilloma Virus sa mga babaeng mag-aaral ng grade 4 upang makatulong na maiwasan ang cervical cancer.
Ang pagbakuna ay isang responsableng hakbang na naglalayong protektahan ang kabataan at tiyakin ang isang ligtas na kapaligiran sa paaralan.