Nasakote ang tinaguriang New People’s Army (NPA) Deputy Secretary at Top 8 Most Wanted Person Regional Level sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Marawi City, Lanao del Sur nito lamang Oktubre 2, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Kiram Kuya” at “Mecca” 36 anyos, residente ng Malaybalay City, Bukidnon. Nabatid na Deputy Secretary ng Platoon Ferrari at Commanding Officer ng SROC under Sub-Regional Committee 5, Northern Central Mindanao Regional Committee (SRC-5, NCMRC) ang inarestong suspek.
Nadakip ang Top 8 Most Wanted Person Regional Level sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity na may Criminal Case no. R-CDO-21-03229-CR na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP na tuldukan ang karahasan, terorismo, at insurhensya na dala ng rebeldeng grupo na hadlang sa pagkamit ng kaunlaran sa ating bansa.