Narekober ng mga otoridad ang mga Unexploded Explosive Ordnance sa loob ng kampo sa Brgy. Binaba Damag, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang ika-3 ng Oktubre 2024.
Bandang 2:35 ng hapon nang naghuhukay ang mga tauhan ng PNP Special Action Force, nang nadiskubre ang mga exploded weapons.
Narekober ang 100 piraso ng Dynamite Gelex 2, 59 piraso ng 60mm HE Frag, 34 piraso ng 81mm HE Frag, 11 piraso ng 81mm Illum, isang M26 at M27 hand grenade, at isang unidentified na UXOs.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko at panatilihing payapa at maayos ang komunidad.