Isang pulis ang sugatan sa pamamaril habang nagsagawa ng COMELEC Checkpoint sa kahabaan ng National Highway, Barangay Impao, Isulan, Sultan Kudarat bandang 11:30 ng gabi noong Enero 11, 2025.

Kinilala ang sugatang pulis na si Police Senior Master Sergeant (PSMS) Jenathan Wagia, miyembro ng Regional Highway Patrol Unit 12.

Nabatid na naharang ng pulisya ang isang mini-van na walang nakakabit na plaka at walang maipakitang OR/CR ang may-ari ng mini-van dahilan upang sumakay si PSMS Wagia sa naturang sasakyan upang dalhin sa impoundment area ng RHPU 12.

Sinundan ang mini-van ng riding-in-tandem at pinaulanan ang naturang sasakyan habang minamaneho ni PSMS Wagia dahilan na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang braso.

Agad namang nakaganti ng putok ang naturang pulis na dahilan ng agarang pagkamatay ng isa sa mga suspek habang tumakas ang driver ng mini-van at isa pang suspek.

Patuloy ang pagtugis ng PNP sa mga suspek at nanawagan ng kooperasyon at tulong sa mamamayan upang mailagay sa likod ng rehas ang taong may sala sa batas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *