Matagumpay na nagtapos ang Madrasah Da’rus Salam na ginanap sa Brgy. Bitugan, Sirawai, Zamboanga del Norte nito lamang noong Enero 12, 2025.
Nagsilbing Panauhing Pandangal at Tagapagsalita ang Deputy Company Commander ng 905th Manuever Company na si Police Lieutenant Muammar J. Habibun sa nasabing programa.
Nagbahagi si PLt Habibum ng talumpati tungkol sa kahalagahan ng paghahanap ng kaalaman sa Islam para sa mga bagong nagsipagtapos, kanilang mga magulang, at mga bisita.
Ang aktibidad na ito ay naaayon sa SALAAM at Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE).
Ang pakikipagtulungan sa pagitan ng mga Madrasah (Islamikong institusyong pang-edukasyon) at ng PNP ay mahalaga para sa pagpapalaganap ng pagkakaunawaan, pagsusulong ng kapayapaan, at pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad.
Ang ganitong uri ng samahan ay may malaking epekto sa lipunan sa pamamagitan ng pagtugon sa iba’t ibang suliraning panlipunan, pang-edukasyon, at pang-seguridad.